Looking for a beach resort in Calatagan, Batangas? Kuyang Beach Resort is the lesser-known neighbor of Manuel Uy Beach Resort. Here's a TagLish contribution of my sister who went to an overnight DIY camping trip to Calatagan, Batangas during the recent Holy Week. Note: This is not a travel guide but more of sharing her experiences in Kuyang Beach Resort. My overall impression to how she narrated this beach resort in Batangas is that this is not the place if you are looking for an Instagrammable spot in Calatagan or a resort complete with all comfortable amenities.
Travel duration: 4-5 hrs kasama na dun yung maling way na nadaanan namin Budget for 2D1N: Php 1,300
Entrance fee: Php 150
Overnight: Php 200
Cottage rent: Php 1,300 - 1,500
Ecological fee: Php 30
Entrance fee: Php 150
Overnight: Php 200
Cottage rent: Php 1,300 - 1,500
Ecological fee: Php 30
Umalis ang van ng 1am from Pembo, Makati and dumating ng 6am sa resort mismo. Smooth and maluwag ang byahe kasi holiday, naging traffic lang bandang Manuel Uy Resort sa Batangas along the way papuntang Onan Beach Resort. Ivory Resort sana yung pupuntahan kaya lang first come first serve pala and around 6pm pala sila nag accommodate so pumunta nalang kami sa ibang resort at nakarating kmi ng Brgy. Bagong Silang, Calatagan, Batangas.
This is a DIY tour so hindi kami angbayad sa anumang tour agencies, thanks to Kuya Nomer Flores, bayaw ng kaibigan ko sa pag asikaso ng lahat, nagbayad nalang kami at nag enjoy pagdating dun. This is just a plain swimming getaway. No tour activities na katulad sa mga inooffer ng tour agencies pero mas nakakaenjoy kasi hawak mo oras mo. Van rental fee pala is 5k for 12 pax kapag tao lang at walang mabibigat na gamit, nakamura lang kasi kakilala ni kuya Nomer yung may ari.
Overnight stay kami dun so nagbayad kami ng 200 pesos for the entrance fee, kapag daytour lang is 150. Yung style ng lugar is parang camping site sa gilid ng dagat, madaming puno where you can hang your own hammock, hindi sila nag oofer ng rental ng ganon so bring your own nalang. Pwde kang maglagay ng tent kahit ilan, pitch ng tent ay 100 per tent kahit anong size. Sa ibang resort daw kasi depende sa size ng tent ang presyo. Since we are 14 in our group hindi kasya ang 3 tent na dala ng nag organize ng outing namin so kumuha din kami ng isang Cottage para na din sa mga dalang gamit. Cottage fee costs 1300-1500 php, yung kinuha namin ay yung tig 1300 free na kuryente dun, saksakan tsaka table. The resort offers free use of their kalan, lutuan or ihawan. May ecollogical fee na 30 pesos per head sa Tourism Office ng Batangas.
According to Jopay, anak ng katiwala ng resort,one of the Palarong Pambansa athlete sa swimming category, isang taon mahigit na daw nag ooperate ang resort, at ang nag mamay ari daw nito ay yung tinatawag nilang Kuyang na nahahawig sa salitang Kuya o nakatatandang kapatid o kakilalang lalake. The owner doesn't look like the typical boss, he looks like an ordinary person na nagsususot ng simpleng damit at nakikisalamuha sa guest na aprang bisita lang din. Bago makarating ng Kuyang Beach Resort dadaanan muna yung Manuel Uy, Ivory Resort, Edna's Resort, Onan Beach Resort and the Villa Agustina isang Private Villa na pwdeng rentahan for larger group outings and team buildings. The resort is open 24/7. Kitang-kita sa karagatan ang madaming barkong dumadaan, cargo ships, cruise ship etc. na galing sa Batangas Port. Makikita mo din yung mga motor boats na inaarkilahan ng ibang tourists sa kalapit na resort na nag island hopping. Wala panaman daw update kung maglalagay din sila ng ganong klaseng activitiy sa Kuyang Resort.
Napakapeaceful ng dagat, hindi maalon at hindi malalim ang tubig. Low tide sya around 6am kaya kitang kita ang mabatong dagat na masakit sa paa, reminder lang na kung kaya lang din habang wala pa dun sa malalaim na part kung saan konti yung bato magsuot ng tsinelas. Mga 8am tumaas ang tubig from our ankle na umabot hanggang bewang lamang. They have 5-8 cottages and can accommodate a maximum of 15-20 pax per cottage dahil big sizes sila. Walang curfew ang pagpapatugtog pero be sensitive enough kapag may tulog na pwede mong pahinain para hindi ipatigil ng management. Medyo sulok na ang resort nila kaya wala kang mabibilhan na malapit ng ice kung gusto mo ng malamig, pwde namang magbaon. May mini store sila and they only sell junk foods, alcoholic beverages and shampoo. Walang sabon so dapat ready ka kapag pupunta ka dito.
Kita ang sunset sa Kuyang beach resort sa may right part ng beach na nagpakita around 5:30-6pm and at the left part naman nag sa-sunrise. Kitang kita din si moon na super laki that night, April 18, luckily I was able to capture it around 4am ng April 19 bago ito lumubog at sumikat si haring araw. My friend and I roamed around the place and took some silhouette shot of the rising sun, kaso nga lang, yung kita lang is the orange and yellowish cloud kasi super cloudy ng morning na yun.
Best time magbabad is 8-10am which is yun yung ginawa ko sa second day, gabi na ako naligo ng first day at mga 8 to 11pm yun. Hindi masakit sa balat ang init at hindi masyado salty ang water compared sa ibang beach na amoy mo, lasa mo at ramdam mo ang salty water kasi medyo rough sa skin. Warm and water sa ibang part tas medyo malamig din sa ilalim part. Hindi malakas ang alon kaya advisable sa kids pero mas maganda padin na bantayan ng maigi. Pack up na kami mga 11am, boodle fight style pa din tulad ng first day and nakaalis kmi 1pm na.
Mabilis ang byahe namin pauwi, super luwag kahit nasa edsa na kami. kayang kaya sana ng 4 hours super traffic lang bandang tagaytay kasi pabalik na din ang mga bakasyonista mga 30mins din kaming nastuck sa traffic, lumuwag yung byahe bandang Silang, Cavite. Nakarating kami past 6 na ng Pembo at kanya kanya ng uwi.
No comments