Alam ko noon pa man na ang Jollibee ay not pet-friendly and I respect naman pero kasi kahapon alam ko gutom na furbaby ko. Nakipag meet ako sa isang European traveler sa Ola Hostel Manila na nasa Malate. Bago kami pumunta doon, tinanong ko muna sa FB page nila if pwede ang pets sa kanila. Sabi sa akin, pwede sa kanilang roof deck slash restaurant na nasa 5th floor ang pets.
As a matter of fact, eh may resident puspin sila doon. Tinanong ko din if pwede ang pets sa kanila mag stay with the owners. At first, sabi nila hindi pero I can feel they are open to it considering may cat sila so yun nga sabi nila if medium size lang daw ang pet, pwede for PRIVATE rooms nila. So ayun, if you are looking for a pet-friendly accommodation in Malate - check out Ola Hostel Manila. Send a DM muna ha kasi parang this is more like for approval arrangement at hindi pa ito officially includeds sa terms and conditions nila.
Back to the topic. Halos past lunchtime na kami natapos mag kwentuhan so alam ko gutom na si Ollie my dog. Wala kami mahanap na iba and gusto ko na mag wiwi! Nag bakasakali lang ako. Malay mo di ba, mag himala!
Tamang tama may staff na nagpupunas ng glass door. Wala ang security guard that time eh. Tinanong ko ang staff if pwede dog inside. Sabi nya, tatanong daw niya muna so umalis sya ng saglit. Hindi na ako talaga umaasa na magugustuhan ko ang sagot nya pagbalik pero, nagkamali ako! Sabi nya oo daw basta naka diaper. Since naka-diaper na ang aso ko, pinasok ko agad dog ko baka mag bago isip 😄
Ayokong i-mention ang branch baka kasi ito ang mga situations na parang kino-consider nila since Sunday naman so wala masyadong tao. I have asked many times in other branches, all of them say that Jollibee is not pet-friendly. However, ALWAYS ask talaga. You'll never know if it is your lucky day with your furbaby.
No comments