Sharing my personal review ng Pet Play's hamburger pet toy if worth it nga ba sya. Actually, my dog loves anything that squeaks so I bought this during the opening of Sommerset Millenium Makati's indoor pet park. Isa ang Bobba's Barkyard sa mga merchants so binili ko ito kasi mahilig sa toys na na tumutunog ang dog ko.
Detachable sya na toy made of 3 parts. The top and bottom both squeak when pressed or in case of my dog, when he bites these. The middle part wala lang. Kaya hindi pinapansin ng dog ko. Actually, pwede daw palamanan or lagyan ng bite size na treats in between para may thrill habang dini-dissasemble nila. Haven't done this one because my dog is not a fan of treats.
Pet Play Burger Dog Toy
Bakit ko nagustuhan?
1. Matibay! Halos araw araw nginangatngat ng dog ko and even in the middle of the night pag bumubuhat ako to make wiwi, nakikita ko nilalaro pa nya. Also, pag uuwi ako at nakita nya papasok na ako ng pinto bigla nyang kinukuha itong toy, pinapakita sa akin habang sinasalubong ako.
2. Malambot at magaan! Dapat ang toys talaga ng dog ko is malambot kasi maliit lang ang mouth nya. Kasyang kasya lang talaga pag kinakagat nya.
3. Imported sya from US manufacturered by a company na talagang high quality ang pag kakagawa.
4. Machine-washable, certified non-toxic toy at pwede din sa kids.
5. Gawa sya sa eco-friendly na materials from 100% post consumer certified safe recycled plastic bottles
Since literal na tela sya, ayun madaling madumihan. Lalo na at palaging kinakagat ni Ollie. Nilalabhan ko sya ng non-toxic na detergent kasi alam ko pinapasok nya sa bibig ang toy na ito. Hindi pwede yung typical na sabon na puno ng chemicals.
Kaso, mukhang mapapagastos pa ata ako kasi part lang pala siya ng collection of toys na na Pet Play French Fries, Pet Play American Classic Hotdog, Pet Play Fried Chicken and Pet Play Milkshake. To save, you can buy these all together (Pet Play American Classic Bundle Set) for Php 2, 299. Itong burger is already Php 560 ang presyo.
No comments