2 WFH Sisters and 1 Dog Sharing Our Travels in Bicol and Manila

Pasig Ferry, pet friendly ba?

pasig ferry pet friendly

Matagal na naming alam na pwede isakay ang pets sa Pasig Ferry kaso hindi talaga kami magkaroon ng oras para dito hanggang sa bumisita ang Mama ko from Bicol. Gustong gumala daw niya sa hindi pa nya nata-try. Eh di sabi ko sige mag pasig ferry ride tayo then food trip sa Binondo! Hindi ko na maalala pero alam ko nakasakay na ako nito way, way before the pandemic which is ok naman ang experience ko so I figured out why not do it again?


FREE ENTRANCE pa rin until sa Pasig ferry. Dito kami sumakay sa Guadalupe station and bababa kami ng Escolta station which is the last stop. Strictly dapat nasa hard cage ang pets simula sa waiting station hanggang sa loob ng ferry. Hindi daw pwede ang pet carrier bags kasi sabi nung bantay pag dadaan na daw sa part ng Malacañang eh may nag iinspect tapos dala ay K9 dogs. Baka daw kasi kagatin ng dogs na ito ang amin kaya proteksyon na rin daw ng dog ko ang cage niya. 


Dumating kami 9am sa Guadalupe station ng Pasig ferry tapos ang available na lang ay 11:30 am na alis. Hindi sanay ang dog ko sa makulong sa cage so sa first hour sa labas kami tumambay. Ayaw namin talaga ilagay siya sa cage kasi maiinip siya and therefore tatahol siya. Iniiwasan namin na baka maingayan ang mga kapwa pasahero namin sa Pasig ferry pero sadyang mainit talaga ang panahon at maingay sa labas dahil sa mga dumadaan na sasakyan kaya by 10:00 am pumasok na kami sa loob ng Guadalupe station. 


Nilagay ko na ang dog ko sa loob ng cage. Airconditioned naman at may TV na pinapanood pero hindi ko gusto ang palabas na sports. Yung hilera ng upuan na napili pa namin ay umuuga kaya kada may umuupo ay naaalimpungatan kami sa aming pag idlip. As expected, tumatahol ang dog ko paminsan-minsan kasi nga hindi sya sanay ikulong so nililibang ko. Gusto niya talaga makaalis sa cage at tumabi sa amin sa upuan. Sanay kasi sya na ganun. Tumitigil din ang pag tahol niya pero specially nung tinabihan ko na sa floor. Imagine me nakasalampak sa floor katabi ang cage kung nasaan si Ollie pero mabawasan yung pagkatakot niya since siyempre hindi siya sanay sa lugar na ito.  


pet friendly pasig river


Pag dating ng ferry, mabilis naman kami nakaalis. Organized naman kaso nakakaloka. Ang typical 45 munutes na ride ay naging 1 hour & 45 minutes. Medyo mabagal ang takbo and yung coast guard driver may nilampasan na 3 stations so kada lampas babalik. Yung una, wala daw nagsabi na may bababa. Yung pangalawa, may nakapulupot daw sa propeller. Ipapasisid daw para maalis. Pangatlo kala naman niya wala sasakay tapos yun pala meron. 


Nung nag start na yung byahe ng ferry hindi na tumatahol ang dog ko. Pero nung palagi na nag - stop ng matagal, tumatahol kasi gusto lumabas. Pero after thay cguro nagsawa na, hindi na uniimik. Naka smile pa nga siya sa video at photo namin. Nakabukas ang bintana at doors so langhap mo talaga ang baho ng maduming hangin o tubig ng Pasig river. Kaya kung medyo maselan ka baka hindi ito para sayo. Ang daming basura na nakakasalubong namin na karamihan ay plastic water bottles at yung ginagawang basket na plant. Kahit ako nakonsyensya sa kakabili ng ko mineral bottle water. Kaya tama naman na nagdadala na ako ng sarili kong tumbler. 


Nire-recommend ba namin siya as transportation means pag may pet? Oo naman. Pero kung nagmamamadali ka sa pupuntahan mo, it is best to try other faster options. Hindi na nga kami bumalik para sana mag ferry kami from Escolta back to Guadalupe kasi ang sabi sa amin wala daw kasiguraduhan sa biyahe kasi sira daw ang ibang ferries and ayaw na namin maghintay or baka tumagal pa ang biyahe kahit pa libre ang sakay.

No comments