May nagsabi sa amin na may dog ice cream daw sa KIJI Bakehouse BGC. Kaya naman, go agad kami kasi favorite ng dog ko talaga desserts na edible naman for him. Pup Swirl ang tawag sa kaniya. Sobrang fave kasi ng dog ko ang puppacino sa CBTL. However, may mga puppacinos din sa ibang cafe na hindi niya gusto. Aba, nagulat ako kasi dito eh swak sa panlasa niya.
Swerte din namin kasi nung papaalis na kami, tiyempong dumaan another dog na super cute na name ay Honey Butt in short pero Honey Butter na nasa stroller at dala ng kaniyang yaya. Nagulat kasi kami bigla na lang binigyan ng isang staff siya ng Pup Swirl e hindi naman nag order. Saka yung staff pa ang kusang nagbukas ng pinto at puntahan sila sa labas para iabot ito. Kalaunan nalaman ko furbaby pala siya ng owner ng KIJI Bakehouse so unli Pup Swirl sya kada daan dito. Sana all, cafe owner ang furparent!
Pekingese ang tawag sa breed na ito according to the yaya of Honey Butt. First time ko din makakita nito na up close. Ako naman, nag order ng matcha. Favorite ko kasi matcha lattes. Mapa hot or cold man yan. Hindi ko lang maalala anong name ng pastry ang sinabay kong inorder. I could really say always newly baked po ang mga siniserve na breads dito sa KIJI Bakehouse.
Open kitchen sila so kita mo talaga pano ang kalinisan at pano nila ginagawa ang mga food and drinks they serve. Nagustuhan ko din ang mga magazines na pwede basahin (basta wag iuwi sa bahay) ng libre. All about home decors na Japanese inspired ang mga ito. Ang cute nga kasi may isa doon na ang page 1 ay sa pinakadulo na page. Imagine yourself reading from the rightmost page to the left! Oh di ba, baliktad!
Medyo masikip sa loob. Actually, mas malaki pa nga ang space sa outdoor seats and tables nila. Next time, sa labas na kami uupo ni Ollie para makita ng mga taong dumadaan. FYI. Kung gusto mo ng more options, may list ako ng cafes in BGC that have menus for pets. Click HERE para mabasa mo. Kung gusto mo naman mapanood ang Tiktok video ko about KIJI Bakehouse, click HERE.
No comments