Ang Glorietta ay isa sa mga paborito naming puntahan na mall kasi malapit lang sya for us. Taga BLISS kami which is part of Cembo na dating sakop ng Makati na ngayon ay Taguig na. In 10-20 minutes, andun na kami. As always, palagi ko kasama ang dog ko na si Ollie pag pumupunta ako dyan even with family. So far, may 3 restaurants in Glorietta na pet-friendly na I can share. See below:
YOSHINOYA
Pwede daw ang pets sa mga white-colored stools near the main entrance and walls. Bawal daw sa white couches. I am not sure if this is only applicable to Yoshinoya Greenbelt branch or to all branches. FYI. I ate here na hindi kasama ang dog ko so wala ako picture with him dito. However, I have confirmed with the staff na they allow pets.
Just a few weeks ago since nandito Mama namin all the way from Bicol, pumunta kami sa Japan Town naman ng Glorietta particularly doon sa may semi-outdoor nila yung nasa top floor. As always, ang unang tanong namin bago ang kung ano ang meron sa menu nila if pet-friendly ba sila.
HAKATA TON-ICHI
After quick libot ng mga restos, we settled sa Hakata Ton-Ichi kasi nag crave kami ng ramen. Bawal ang pets so sa outdoor seats kami. However, na-appreciate namin na kahit hindi namin hiningi o tinanong, kusa nagdala ng bowl of cold water para sa dog namin. Ang aming pagkakamali lang ay nakasuot kami ng mahahaba at makakapal na damit kasi around 8pm na. Akala namin malamig na kahit papano. Dahil mainit ang ramen at mainit pa rin kahit gabi na, ayun pinagpawisan kami habang inuubos ang ramen. Ang ending naghanap kami ng other resto kahit man lang maka-order kami ng dessert or tea man lang na sa loob at may aircon para maka-cool down.
102 IZAKAYA
Mga 2-3 minutes away from Hakata Ton-Ichi naman ay ang 102 Izakaya. Pwede pets sa loob. Ito ang aming unang tinanong actually habang naglilibot kami kaso ewan ko ba at ang 2 sisters ko ay naghanap pa ng iba. Ayun, nag order kami ng ice cream, takoyaki at hot tea naman sa sister ko na may ubo. Hindi siya pwede sa malamig kaya yun ang inorder niya. Parang mas matagal pa yata kami dito nag stay kasi talagang ninamnam namin ang aircon sa loob na kasama namin ang furbaby. Grabe ang aming pag adjust talaga tuwing kami gagala sa labas. Hangga't pwede isama ang dog namin, hindi namin iiwan!
No comments